Isang Bagong Kaibigan
Isang bagong Kaibigan ang aking natagpuan. Na sa aki'y nagmamahal bago ko naalaman; Ako'y Kanyang tinalian ng pag-ibig na sakdal. Kaya't ako'y Kanya lamang at Siya'y aking tunay.
Ang bago kong Kaibigan sa aki'y nagsanggalang. Kamtan ko lamang ang buhay Kanya ang inialay; Kaya't ngayo'y Kanya lamang lahat kong kinakamtan, Buhay, lakas, kayamanan, magpahanggang libingan.
Ang bago kong Kaibigan ay may kapangyarihan. Sa akin ay pumatnubay hanggang sa kalangitan; Sa l'walhating mamasdan sigla ang kinakamtan, Sa pag-gawa't pagpapagal hanggang ako'y may buhay.
Ang bago kong Kaibigan ay maawaing tunay. Matalinong taga-akay malakas magsanggalang; Sinong sa aki'y hahadlang na Siya'y paglingkuran? Ang yaman ba? Sanlibutan? Hindi rin tutulutan!
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.