Sa Tuktok ng Isang Gulod

1

Sa tuktok ng isang gulod na mababa, Ay may isang krus na luma. Doo'y ipinako si Kristong dakila, Patungkol sa sala ng madla!

KORO

Aariin kong isang yaman, Ang krus N'yang kamahal-mahalan. Sa wakas ito'y papalitan, Ng isang putong na makinang.

2

Oh ang krus na yaong inaalimura, Sa akin ay mahalaga. Sa pagka't si Kristo ang Siyang nagdala, Doon sa bundok ng Golgota.

3

Oh yaong lumang krus na duguduguan, Maganda kung aking masdan! Sa pagka't si Kristo ang Siyang nagdala, Ang sa salang kapatawaran!

4

Oh sa krus na yaon ako'y magtatapat, Mamahalin hanggang wakas. Pagsapit ng araw aking ilalapag, At ako sa langit lilipat!

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.