Ang Panginoo'y Nanaog sa Lupa

1

Ang Panginoo'y nanaog sa lupa, Taglay ang sugo ng awa, Subali't Siya'y inamis, inaba, At inapi at kinutya.

KORO

Pinahirapan, hinampas inuyam, Pinakuan sa paa't kamay, Nguni't ang masaklap, mahapdi sa lahat, Ay ang nasa pusong sugat.

2

Kanyang hinahanap sa sariling Kanyang, Nangaliligaw na tupa, Nguni't ang tawag at anyaya Niya, Di nila inalumana.

3

Siya ay hindi ko maitatakwil, Puso ko'y di makaamin, Dudulog ako't sa Kanya'y hihingin, Ang sala ko'y patatawarin.

HULING KORO

Dadalhin ang krus at ako'y susunod, Sa tinuntong daan ni Jesus, At ang paglilingkod ng puso ko't loob, Aking gagawin nang lubos.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.