Isalaysay Mo sa Akin Kasaysayan ni Jesus

1

Isalaysay mo sa akin Kasaysayan ni Jesus, Isalaysay mo sa akin Ang buhay Niyang puspos; Kung paanong nang sumilang S'ya'y binati nang taos Ng mga anghel sa langit, At nal'walhati ang Diyos.

KORO

Isalaysay mo sa akin Kasaysayan ni Jesus, Isalaysay mo sa akin Ang buhay Niyang puspos.

2

Nang sa ilang nag-ayuno, Saysayin ang dinanas, Kung paanong S'ya'y tinukso, At nagwagi sa wakas; Saysayin ang tiniis N'yang Pagod, lungkot at hirap, Dinalamhati't hinamak, Itinakwil at sukat.

3

Ang krus na pinagpakuan Ay iyong isalaysay, Pati ang pinaglibinga't Ang Kanyang pagkabuhay; D'yan ay higit kong namalas Pag-ibig N'yang dalisay, Na sa akin at sa iyo Ay tumubos na tunay.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.