Ang Unang Noel
Ang unang Noel ay inihimig Ng anghel sa mga pastol sa bukid Do'y iningatan mga tupang ibig Isang gabi noon na tahimik.
Noel, Noel, Noel, Noel Sumilang Hari ng Israel.
Tumingala sila't namasdan Ang isang tala sa silangan At sa lupa ay tumanglaw At ito'y nagpatuloy gabi't araw.
Sa liwanag ng tala ring iyon Tatlong pantas ang dumating doon Isang hari ang kanilang layon At sundan ang tala sa'n man humantong.
Tala'y napasahilagang kanluran Sumaibabaw ng Bethlehem na bayan At ang dakong kinalalagyan Ni Jesus ay siyang tinapatan.
Ang tatlong pantas ay nagsipasok Buong galang silang nanikluhod At sa harap Niya ay nangaghandog Ng ginto, mira't insensong pansuob.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.