Diyos ang 'yong Kanlungan
1
Balisa mo'y ipasakop Diyos ang 'yong kanlungan Pag-ibig N'ya ang 'yong kanlong Diyos ang 'yong kanlungan.
KORO
Diyos ang 'yong kanlungan Araw-araw bawat oras Mahal ka sa Kanya Diyos ang 'yong kanlungan.
2
Lupaypay man iyong puso Diyos ang 'yong kanlungan Sa panganib iingatan Diyos ang 'yong kanlungan.
3
Kailangan mo'y tutustusan Diyos ang 'yong kanlungan Hindi Kanya itatakwil Diyos ang 'yong kanlungan.
4
Pagsubok ma'y sapinsapin Diyos ang 'yong kanlungan Humilig ka sa bisig N'ya Diyos ang 'yong kanlungan.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.