Inaawit Ko ang Lakas
1
Inaawit ko ang lakas ng Diyos na naglatag Ng bundok na matataas at ng mga dagat Ang karunungang dakila na siyang nagtakda Ng marapat maging gawa ng bawa't buntala.
2
Inaawit ko ang awa ng Diyos na dakila Sa ganang nagkakalinga sa Kanyang nilikha Kababalaghan Mo'y hayag at kita ng lahat Sa lupa't langit ay bakas pawang nakalahad.
3
Walang halama't bulaklak na di nag-uulat Ng maluwalhati Mong dilag na hayag sa lahat Sa bawa't Iyong nilalang ikaw'y nagbabantay Walang dakong tutunguhang di Mo mararatnan.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.