Di na Lubhang Magtatagal

1

Di na lubhang magtatagal Ang lahat ng kahulugan Ng pagluha't kalumbayan Ay atin nang malalaman.

KORO

Kaya nga't sa Panginoon Magtapat nang buong tapang, Daan ma'y madilim ngayon, Bukas, maliliwanagan.

2

Ang gawa nating natigil Doo'y ating tatapusin, Lahat ng hiwaga sa 'tin Doon ay ipaliliwanag.

3

Kung bakit ang kadiliman Sa liwanag humahalang, At ang tuwa'y pumapanaw, Doon ating malalaman.

4

Kung bakit ang ating nais Malimit na ipagkait At ayaw na ipakamit Doon ating mababatid.

5

Alam ng Diyos ating daan; Tiyak ang Kanyang patnubay, Bawat luhang naranasan Doon ating malalaman.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.