Nais Mong Pala'y Kamtin Mo
Nais mong pala'y kamtin mo? ikaw'y magbigay! Nais mong umunlad tayo? ikaw'y magbigay! Lahad ang iyong kamay at ang puso mo'y buksan Sumunod ka sa aral, ikaw'y magbigay! Buong puso't kagalakang ikaw'y magbigay! Nang ikaw'y tumanggap naman ngayo'y magbigay! May munti ka bang yaman? ibigay mo rin iyan Ikaw ay gagantihan kung magbibigay! Magbigay sa pagkakalat ng santong aklat At nang makapagpasikat sa pusong salat! Ibig mo bang yumaman kung dumating ang araw? Kung gayon, ngayon nama'y ikaw'y magbigay!
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.