Pagdating na sa Langit

1

Awitin ang pag-ibig ni Jesus, Ang habag at biyaya N'ya; Sa paraisong tahanan Siya nating titirhan.

KORO

Pagdating na sa langit O anong araw ng pagdiriwang Sa harap ni Jesus aawitin ang tagumpay.

2

Samantalang naglalakbay, Pagsubok ay kaagapay; Ngunit kung makauwina, Doo'y pawang ligaya.

3

Tayo'y magtapat sa Kanya, Maglingkod araw-araw; Makikita ng mukhaan, Ang nagligtas sa sala.

4

Lakad patungo sa langit, Kat'wiran N'ya'y ibihis; Papasok tayo sa gloria, Tatahang kasama N'ya.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.