Tuloy Kong Sinasalunga
1
Tuloy kong sinasalunga Ang daan kong papaakyat, Hangga't ako'y mayro'ng kaya'y Sasalungahin ang landas.
KORO
Panginoon, angatin Mo Ang paa kong naghihirap, Tulungan Mo nga po ako Sa pagsalunga sa landas.
2
Ang puso ko'y walang hilig Na lumagi sa palanas, Ang dalangin ko at nais Masalunga ko ang landas.
3
Pipilitin kong masapit Ang langit na sakdal dilag, Kaya naman nagtitiis Na salungahin ang landas.
4
Nais kong ako'y mabuhay Na taglay ko ang tagumpay; Nang sa aking pagsalunga'y Siya ang aking patnubay.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.