Oh! Krist'yanong Kawal Hayo sa Laban
Oh! Krist'yanong kawal hayo sa laban, Si Jesus ang nangunguna sa daan At umaalalay sa kahirapan, Nang tayo'y magdiwang sa sanlibutan!
O! Krist'yanong kawal hayo sa laban, Krus ni Jesus ang ating sinusundan.
Siya ay ihayag at nang tumakas Ang bumabagabag na si Satanas; Tulinan ang lakad, dalhin ang hirap Nang ating malasap, bihis na galak!
Ang kay Kristong kawal hukbong kalakhan Ay nangapipisang lakip ang tibay; Sa pakikilaban at nang magdiwang, Nang pagtagumpayan madlang kaaway!
Piliting lansagin ang bawa't datning Mga sinungaling; h'wag pagitawing Maghari sa ati't tayo'y supilin Papaniwalain sa dayang lihim!
Sulong Kanyang bayan at makipisan Sa pag-aawitan ng pagdiriwang; Kay Jesus ibigay ang kapurihan, Atin S'yang awitan magpa-kaylanman!
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.