Ako ay Nariwara sa Pagkakasala

1

Ako ay nariwara sa pagkakasala Hanggang sa pinanawan ako ng pag-asa Datapwa't ang hibik ng aking kaluluwa'y Dininig ng Diyos at ako'y ligtas na!

KORO

Ang pag-ibig! Ang pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig! Ang nagligtas sa 'kin ay pag-ibig! Ay pag-ibig!

2

Ang puso ko at diwa'y aking inia-alay Sa paanan ni Jesus habang ako'y buhay Aawit-awitin ko ang Kanyang pangalan At ang pag-ibig Niyang walang hanggan.

3

Oh kaluluwang waglit at mapapahamak Kay Kristo ka lumapit nang ikaw'y maligtas Ang ating Panginoo'y walang laging hangad Kundi ang malayo ka sa bagabag.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.