Nangako Siya sa Mga Tapat
1
Nangako Siya sa mga tapat, Ang sabi'y "Ako ay babalik agad, Kaya't maghintay kayo't magpuyat Manatiling tapat hanggang sa wakas."
KORO
"Tibayan hanggang Ako'y dumating, Bayang nauli'y inyong tanggapin. Putong na tala roo'y kakamtin, Magtibay nga kayo't Ako'y hintayin."
2
Kaya't magpuyat sa pagdalangin, Ilawan ninyo ay papagningasin, Ang pagparito Niya'y di lihim Lamang ang araw ay di alam natin.
3
Ito ang ating tanging pag-asa Sa mga Kasulata'y nababasa, Ang ating puso ay sumisigla Kung maalaalang darating Siya.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.