O Kapatid Ko, Ikaw ay Magtapat

1

O kapatid ko, ikaw ay magtapat! Si Jesus di magluluwat; Ang pagpasok sa tahanang marilag Malapit na ngang matupad. O kapatid ko, ikaw ay magtapat! Pagka't bakit titiwalag Sa nagpakita ng gayong pagliyag Na tumubos sa 'ting lahat.

2

Ang gintong lunsod na inihahanda Sa mabuti't pinagpala, Ang pintong perlas ay naghihintay nga Sa pagpasok mong may tuwa. Kaya magtapat, kapatid na mutya! Di mananatiling aba, Ang gabi ng lungkot ay mawawala, Umaga'y matatamasa.

3

O kapatid ko, magtapat kasana! Malapit nang bumaba S'ya, Libu-libong anghel ang abay Niya, Palmang tagumpay ay dala. Hindi tatagal, maririnig mo na Ang kay Cristong ibabadya, Aliping tapat gawa mo'y maganda, Sa 'yong Pangino'y magsaya.

4

Walang hanggang panaho'y magsasaysay Ng ngayo'y 'Yong katapatan, Luha mo'y papawiin ng kat'waan, Putong sa noo'y kikinang. O magtapat ka, kapatid kong hirang! Sa tapat pangako'y tunay; Maghaharing kasamang dalisay, Sasa kay Jesus kailanman.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.