Lakad sa Liwanag ng Salita ng Diyos
1
Lakad sa liwanag ng salita ng Diyos, Nang ang pala ay kamting lubos; Kung lalakad tayong ganap sa pag-sunod Tatahan sa atin si Jesus.
KORO
Magtapat ka, pagka't walang iba Na daan sa ligaya kundi pagtalima. Walang hirap, lungkot, dalamhati't lumbay, Kung tatalima't di susuway; Ang dilim na sapot sa iyo'y wawalay Kung susundin S'ya nang lubusan.
2
Ang Kanyang pag-ibig di masusukatan, Balong ng awa'y laging laan; Ang bawa't maibig ay iyong kakamtan Kung tapat na susunod lamang.
3
Kung ganap at wagas ang pagtatalaga Mga puso natin sa Kanya, Ating malalasap ang pag-ibig Niya Sa tapat ay ipamana.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.