Ang Pag-ibig ni Jesus
1
Ang pag-ibig ni Jesus ang siyang umakit Upang ako sa Kanya ay kusang lumapit At ang Kanyang biyaya sa aki'y ibinihis Ang Siyang laging diwa sa aking pag-awit.
KORO
Lalo nang tumatamis Lalo nang tumatamis Ang pag-ibig Niya Sa akin t'wi-t'wina Lalo nang tumatamis.
2
At sa buong Judeang kaniyang nilibot Madla ang mga taong sa Kanya'y sumunod S'ya at ang mga may damdam ay Kanyang ginamot Gayunma'y ang pag-ibig niya'y di naubos.
3
Ang wagas na pag-ibig ang siyang nag-akay Upang tayo'y subukin hanggang kamatayan Kaya't ating purihin ang Kanyang pangalan Hanggang ang lupa't langit sumamang magdiwang.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.