H'wag mo po akong Limutin
1
H'wag Mo po akong limutin, Jesus kong giliw; Kaluluwa ko'y aliwin Lungoy ko'y dinggin.
KORO
Cristo! Cristo! Ako'y pakinggan Kung iba'y tinatawagan, H'wag akong iwan.
2
Sa maligaya Mong langit, Ako'y ipanhik, Pawang hirap madlang sakit Ang tinitiis!
3
Ikaw ang inaasahan At aking ilaw, Kaluluwa ko'y hawakan, H'wag pabayaan!
4
Batis Ka't aking ligaya Na walang hangga, Sa lupa'y aking ginhawa Hanggang langit pa!
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.