Humilig ka Sa Kamay Ni Jesus
1
Humilig ka sa kamay ni Jesus Na tumutulong at nagkukupkop, Kung ikaw ay aasang mataos Tutulungang lubos.
KORO
Humilig ka sa Kanyang kamay Humilig ka't aalalayan, Humilig ka na at h'wag lumiban Di ka babayaan.
2
Humilig ka sa kamay ni Jesus Liliwanagan ang iyong loob, Sumunod ka na sa Mananakop Saan man umabot.
3
Humilig ka sa kamay ni Jesus Manatiling tapat sa pagsunod, Upang tamuhin mo ang kaloob Na pangako ng Diyos.
4
Humilig ka sa kamay ni Jesus At paingatan ang lahat sa Diyos Ang habag Niya ay walang pagod Sa nagsisisunod.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.