Ang Pugalan Mo Baga'y Matibay

1

Ang pugalan mo baga'y matibay? Sa dagsa ng bagyo ng buhay? Hindi kaya maanod kung datnan Ng bilis ng along masasal?

KORO

May sinepete ngang matibay Ang kaluluwa na pugalan, Sa batong buhay na kalagay Pag-ibig ng Diyos ang kinatamnan!

2

Kung sa tibay ay maaasahan Kamay ni Jesus ang may tangan, Dagsaan man ng tukso ay laan, Di matitinag sa saligan.

3

Kung dumating man ang kamatayan, Sa baha ng takot ay laan, Kahit buhawi man ang dumaan Di matitinag sa pugalan.

4

Samantalang ang ating pag-asa, Nasa sa loob ng tabing pa, Lubos ang tibay, walang pangamba Hanggang muling parito Siya.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.