Sa Ilalim ng Kanyang mga Pakpak

1

Sa ilalim ng Kanyang mga pakpak Ako'y lalagay kung may bagabag, Siya ang sa akin ay magliligtas, Maglalayo sa dalita't hirap.

KORO

Sa lilim ng Kanyang pakpak Ligtas ako't panatag. Ang puso N'yang puspos ng habag Sa aki'y mag-iingat.

2

Nasa lilim ng Kanyang mga pakpak Ang sa lumbay mabisang panlunas, Kung sa akin ay wala nang lilingap Doon ako'y magtatamong habag.

3

Sa ilalim ng Kanyang mga pakpak Ay mangungubli ako sa hirap, Kung ako'y naroroon ako'y ligtas Sa hilahil na anong sasaklap!

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.