Muog Kang Mataas

1

Muog kang mataas na kanlungan ko, Sa pakikilaban at kalumbayan; Pagod ma't salarin ay sa-sa Iyo, Mapalad na batong aking kanlungan.

KORO

Ikaw ang aking kanlungan, Mapalad na batong aking taguan!

2

Sa panahong ang tukso'y nagpipilit, At sa panahon ng kapighatian, Sa panahong ang dapat ay ligalig, Mapalad Kang batong aking kanlungan.

3

Madalas na kung ako'y nagigipit, At kung ang pagsubok di na matiis, Ng kaaway ko sa pakikilaban, Takbo ko'y sa batong aking kanlungan.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.