Magtiwala sa Pangako ni Kristo

1

May tiwala sa pangako ni Cristo, S'ya ay aking pupurihin nang husto! Pagsamba sa t'wina'y aawitin ko— Laging may tiwala sa Kanya.

KORO

May tiwala Sa mga pangakong ginawa ni Cristo; May tiwala— Ako ay may tiwala sa Kanya.

2

May tiwala sa pangakong totoo. Duda't pangamba'y hindi man maglaho; Ang sandigan ko ay ang ebanghelyo— Laging may tiwala sa Kanya.

3

May tiwala sa pangako ni Cristo, Sa Kanya'y nakabigkis ang puso ko; Araw-araw may lakas ng 'Spiritu— Laging may tiwala sa Kanya.

4

May tiwalang 'di ako matutukso, Pinakikinggan bulong ng 'Spiritu; Ang lahat-lahat sa aki'y si Cristo— Laging may tiwala sa Kanya.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.