Pag Sumilang na ang Pag-ibig

1

Pag sumilang na ang pag-ibig sa buhay. Ang hirap, ang lungkot, at sakit, wawalay. Kung tayo ay may hapis ay mapapawing pilit. Pag sumilang sa langit ang pag-ibig.

KORO

Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig! Ang puso ko ay aawit ng pag-ibig. Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig! Ang lahat ay magsiawit ng pag-ibig!

2

Sa pag-ibig ang sanlibuta'y gaganda. Sisipag sa katungkulan ang kalul'wa. Matatamo'y tagumpay, puso'y masisiyahan. Luluwalhati ang buhay sa pag-ibig!

3

Ang luha at kapighatia'y lilipas. Makakaya ang mga pasang mabigat. Ang kaluwalhatian nama'y maliliwanag. Ang puso'y aapawan ng pag-ibig.

4

Di na mapaparam sa lupa ang kisig. Ang pagmamahalan sa diwa'y hihigpit. Kung kamtan ang tagumpay at sa langit mamuhay. Doon ang tanging araw ay pag-ibig.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.