Gaano Nga ang Katibayan Kaya?
Gaano nga ang katibayan kaya, Ng tumindig sa tibay ng salita? At ano pa ang kailangang kusa, Na kung may lubos nang pagtitiwala? Na kung may lubos nang pagtitiwala?
Si Jesus sa inyo ang kumukupkop, At huwag namang mangagdalang takot, Huwag mangasira ang inyong loob, Pagka't ang saklolo ninyo ay ang Diyos! Pagka't ang saklolo ninyo ay ang Diyos!
Sakaling kayo ay mangagdaraan, Malalim na tubig ang tatawiran, Hindi aabutin ng kabangisan, Pagka't Siya ang sumasa unahan. Pagka't Siya ang sumasa unahan.
Ang kaluluwang kay Kristo humihilig, Hindi babayaang siya'y magahis, Ng kaaway niya na sakdal bangis, Pagka't lagi siyang tinatangkilik. Pagka't lagi siyang tinatangkilik.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.