Kahit Saan Man Ako ay Sasama
1
Kahit saanman ako ay sasama Kay Jesus at papatnugutan Niya; Saanma't kung hindi Siya kasama Ay walang ligaya kundi pangamba.
KORO
Saanman ay di ako nangangamba Kaylanman at si Jesus ang kasama! Saanma'y hindi ako nag-iisa Kung wala mang kaibigang kasama, Kahit saan ako akayin Niya Ay pupurihin Siyang walang hangga.
2
Saanmang dako ako'y mahihimlay Kung dumating na ang kinagabihan, Anumang bayan ang aking kagisnan Ay aariin kong siyang tahanan.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.