Oh! Kristong Kaibig-ibig
1
Oh! Kristong kaibig-ibig Na nagpasan ng sakit, Ang habag Mo ay ilalawit Sa aming nangagwaglit! Ang tao ay natiwalag Sa biyaya't pag-liyag, Dahil sa gawang paglabag Sa Diyos ng awa't habag!
2
Mahina ka't tigib man din Ng salang sapin-sapin, At kung ngayo'y di idaing Parusa'y sasapitin; Kaya ngayo'y maniwala Kay Jesus na dakila, Upang kamtan mong sagana Ang kay Jehobang awa!
3
Si Kristo'y siyang tinapay, Ito ay siyang tunay; Siya ang daan at buhay Ng kaluluwang banday; Ang ating kaparusahan Ay inakong paminsan; Kaya Siya na nga lamang Dapat na panaligan.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.