Kailangan Kita, O Jesus Ko
1
Kailangan Kita, O Jesus ko! Walang makikita na gaya Mo!
KORO
Kailangan ang 'Yong tulong At ang pag-aampon, Pagpalain Pangino'n, Ako ngayon!
2
Kailangan Kita, h'wag layuan, Kung Ikaw'y kasama, may tagumpay!
3
Kailangan Kita, gabi't araw, Nang di mabalisa, ay samahan!
4
Kailangan Kita, nais kamtan, Ngayo'y ibigay na ang patnubay!
5
Kailangan Kita, Poong Jesus, Ako'y gawin Mo ng Iyong lubos!
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.