Ang Oras ng Panalangin
1
Ang oras ng panalangin Ay matamis nga sa akin; Tinatawag akong tambing Sa Ama kong maawain!
2
Sa panahong natutukso Sa mga daya ng lilo, Tumawag at pasaklolo Sa kamay ni Jesu-Kristo!
3
Sa oras ng panalangin, Ako ay Kanyang diringgin; At kung Siya'y hihintayin, Ako ay pagpapalain.
4
Katiwasayang tahimik Kay Jesus na ipapalit, Salinggatong at hinagpis Sa aki'y gumigiyagis.
5
Oh! oras ng panalangin, Ako ay iyong aliwin, Hanggang sa Pisga'y mamasdan Ang inihandang tahanan.
6
Sa pagtawag N'ya sa akin Upang Siya'y salubungin, Akin namang aawitin Ngalan Niyang masintahin.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.