May Panig na Madilim ang Buhay

1

May panig na madilim ang buhay, Nguni't may maliwanag naman, Sa dilim tayo ay matungo man, Sa liwanag tayo tumanaw.

KORO

Tayo ay tumanaw sa naliliwanagan Sa panig ng nating buhay, At upang magkailaw ang ating daraanan, Tayo nga'y sa liwanag lumagay.

2

Malupit man ang bagyong dumating, At ang pag-asa mo'y sirain, Ang ulap at sigwa'y lilipas din, Araw ay muling magnining-ning.

3

Tayo nga'y magsaya araw-araw, Madilim o maliwanag man, At kay Jesus na umaalalay, Manangan tayong buong tibay.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.