Sa Puso Ko'y May Isang Himig
1
Sa puso ko ay may awit Totoong matamis, Ang tanging nakaririnig, Si Jesus na ibig.
KORO
Kaylaki ng kagalakan Ang sa puso ko'y tumatahan, Kay Jesus na pagmamahal Ay akin araw-araw.
2
Sa puso ko'y may liwanag Na tangi sa lahat, Ang sa akin ay naggawad, Si Jesus na liyag.
3
Ang puso ko'y matiwasay, Tahimik na tunay, Pagka't ang kapayapaan Hindi nagkukulang.
4
Sa puso ko ay may galak Hindi kumukupas, Ako sa lahat ng oras Kanyang nililingap.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.