Kung sa Buhay Mo'y Mayron Kang Ligalig

1

Kung sa buhay mo'y mayron kang ligalig Nasa iyong puso'y pumipiyapis, Pagpapala Niyang labis at labis Bilangin mo't ligaya ang lalapit.

KORO

Bilangin mo ang pagpapalang Kaloob sa 'yo ng Diyos Ama, Bilangin mo ang pagpapala't Makikita mong mahal ka sa Kanya.

2

Mabigat bang lubha ang krus mong dala At sa akala mo'y di mo na kaya? Bilangin mo ang pagpapala Niya At pilit na maliligayahan ka.

3

Sa saganang yaman ng ibang tao Higit ang yamang pangako ni Cristo, Ang gantimpala na laan sa iyo Higit sa lahat ng yaman ng mundo.

4

Kaya nga't gitna ng mga hirap H'wag kang matakot alam ng Diyos lahat, Ito ang lagi mong isasa hagap At ang lungkot mo ay magsisitakas.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.