Sa Bagong Jerusalem
1
Sa bagong Jerusalem Ay walang panimdim, Liwanag ay maningning, Doo'y walang dilim.
KORO
Luha mo'y papahirin, Wala ka nang hilahil, Diyos ang iyong kapiling. Diyos ang iyong kapiling. Kasalo sa aliw, Kasalo sa aliw.
2
Ang pinto'y pawang perlas. Sa banal na s'yudad, Ang daa'y gintong lahat. Kaya't maliwanag.
3
Doo'y wala nang araw. Na makasisilaw, Kordero'y Siyang ilaw, Liwanag ay sakdal.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.