Ibigin ang Kapwa
1
Ibigin ang kapwa ay kawang-gawa Buhay ni Jesus ay ibalita; Igawad ang awa't pananalita Na Siya lamang ang magpapala.
KORO
Akayin sa lingap ang nalilinsad Sa Diyos na may habag nang maligtas!
2
Sakaling aayaw Ay pagtamanang Pilitin sa mga kagalingan, Hanggang sa maparam ang kadiliman Siya'y kusaing pagtiyagaan.
3
Sa dibidib ng tigib ng salang dungis Ang kaligtasa'y siyang ipilit Na roo'y masilid at nang sumapit Sa paani ni Jesus ay ihatid.
4
Ituro ang bagay sa kaligtasan, Tulong ni Jesus, iyong asahan; Siya'y kaagapay na kalakasang Tatamuhin na walang hanggan.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.