Mga Manggagapas ay Nasaan?
1
Mga manggagapas ay nasaan? Ang lingkaw ninyo ngayo'y ikasa Upang piliin sa karamihan Ang mga mabuting inihasik.
KORO
Ang manggagapas ay nasaan? Halina't tumulong sa pagtitipon Tumulong kayo na magbangan Ng bungang ani ng Pangino'n.
2
Magsiyaon kayo sa bukiran At hanapin ang mabuting hasik! Pansirang damo'y matatayog man Sikaping lahat ay maipanhik!
3
Hinog na ang bukirang malawak At naghihintay ng mag-aani! O! manggagapas, kayo'y gumayak At matutukol na ang marami!
4
Hayo nang taglay ang inyong lingkaw Gintong butil ng trigo'y anihin Ang Panginoon natin pagdatal Ang kaupaha'y inyong kakamtin!
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.