Magmadali, O Siyon
1
Magmadali, O Siyon, na itanyag. Sa daigdig na Diyos ay liwanang; S'ya na sa mga bansa'y naglatag. Di N'ya ibig isa'y mapahamak.
KORO
Ang balita ay ipahayag, Balita tungkol kay Jesus na liyag.
2
Ipahayag sa bayan, wika't bansa. Na ang Diyos ay pag-ibig at tuwa; Upang iligtas ang tao sa lupa, S'ya'y namatay at nagpakababa.
3
Mga anak at salapi'y ihandog, Nang madala sugong maalindog; Sa dalangin kaluluwa'y ibuhos. Nang sila'y magtagumpay sa lubos.
4
Siyon, Siya ay muling paririto, Kaya biyaya N'ya'y itanyag mo; Huwag tulutang maligtaang totoo. Ang sinumang tinubos ni Kristo.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.