Hinog na ang mga Uhay
1
Hinog na ang mga uhay Sa bukirang malawak At sa liwanag ng araw Masdan at nakabilad.
KORO
Panginoon, Iyong dinggin Ang aming panawagan, Mang-aani ay suguin Di namin magampanan.
2
Sa umaga't sa tanghali, Sila'y Iyong suguin, At sa pagdating ng gabi, Sila'y Iyong tipunin.
3
Oh! sugo ng Panginoon, Gintong uhay, pisanin, Pagka sumapit ang hapon Tuwa'y iyong kakamtin.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.