Sa Kabila ng mga Kabundukan

1

Sa kabila ng mga kabundukan, Naro'n ang ginawa ng Diyos na bayan; Pag ang tuktok ng bundok natapakan, Walang hanggang bayan ay matatanaw.

KORO

Nalalapit na sa 'ting tahanan! (Malapit na sa tahanan sa 'ting tahanan!) Masda't mga bubong nagkikinangan! Sa "pintong bukas" may kal'walhatian! Papasok tayo ro'n di magtatagal, Ang mga anghel ay nag-aawitan. Sa 'ting tahanan. (O sa ating tahanan!)

2

Sa ti'y maluwat nang isinalaysay. Ang bayang mga daa'y gintong lantay; Ngayon sa hagap ito'y matatanaw; Kuta'y haspe't magaganda ang bahay.

3

Mga tumutupad ng utos ng Diyos At pananampalataya ni Jesus, Ang sa bayang yao'y nagsisipasok; Tayo roo'y magpupuri ngang lubos.

4

Kapatid, ako ba'y 'yong tatagpuin. Sa bayang yaong wala nang hilahil? Pabalita ng Diyos iyong tanggapin, Pagdating N'ya ikaw ay tatawagin.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.