Maybuhay sa Isang Tanaw Lamang
1
May buhay sa isang tanaw lamang, Sabi Niya': "Ako'y tingnan," Pagka't ang krus may isang tunay, Gaya ng tansong ahas sa ilang.
KORO
May buhay para sa 'yo, (May buhay para sa 'yo,) Kung tumanaw kay Cristo, (Kung tumanaw kay Cristo,) Kaya't pagsikapan mo, (Kaya't pagsikapan mo,) Tumingin sa Kalbaryo.
2
Kahit gaanong dagsa ng tukso, Ay pananagumpayan mo, Kung titingin lamang kay Cristo, Lakas at ligaya'y sasa iyo.
3
Oras oras Siya ay titigan, Pangako ng Diyos asahan, Ang tukso'y pananagumpayan, Ng sinumang susunod sa aral.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.