Ang Kal'walhatian sa Diyos Ibigay

1

Ang kal'walhatian sa Diyos ibigay Siya'y gumagawa ng dakilang bagay; Anak na isinugo na S'yang nag-alay Ng buhay upang ang lahat ay mabuhay.

KORO

Purihin si Jesus, Tinig Nya'y pakinggan; Purihin si Jesus, Tayo'y magkatuwaan; Kay Jesus ang Ama'y ating lapitan, At ang l'walhati sa Kanya'y ibigay.

2

Pangako ng Diyos sa naniniwala, Ay katubusang sa dugo may bisa; Ang magsisising pinakamasama, Patatawarin ni Kristong dakila.

3

Pawang dakila ang turo Nya't gawa, Kay Jesus dakila ang ating tuwa; Nguni't kung si Jesus ay Makita nga, Ligaya nati'y higit pang dakila.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.