Sa Pamamagitan ng Dugo ng Kordero

1

Sa pamamagitan ng dugo Ng Kordero ay natubos! Sa walang hanggan Niyang awa, Ako'y anak ng Diyos.

KORO

Natubos na, Ako ng dugo ni Jesus; Natubos na't Ako'y anak ng Diyos.

2

Labis ang galak ko kay Jesus Sa ginawa N'yang pagtubos! Alam kong ako'y sasamahan At tatahan N'yang lubos.

3

Lagi sa aking alaala Manunubos kong marikit; Ang dalisay Niyang pag-ibig, Aking inaawit-awit.

4

Talos kong aking mamamasdan Ang Haring ang kautusan Ay aking kinaluluguran; Ako'y Kanyang iingatan.

5

Doon sa mal'walhating mansiyon Putong ko ay naghihintay; Kami ng Panginoon doon Ay magkasamang tatahan.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.