Ang Buhay Ko'y Tanggapin

1

Ang buhay ko'y tanggapin Ngayo'y inihahain; Ang kamay ko'y kilusin Ng pag-ibig Mong tambing, Ng pag-ibig Mong tambing.

2

Paa ko'y patulinin Kung sa Iyo ang dahil; Tinig ko'y paawitin Sa Hari kong darating, Sa Hari kong darating.

3

Sa bibig ko'y ilagay Sugo ng kalangitan; Ginto't pilak ko'y laan Hain sa Iyong tunay, Hain sa Iyong tunay.

4

Puso ko't kalooban Ngayo'y ibinibigay Upang mapanahan Ng Espiritung Banal, Ng Espiritung Banal.

5

Ang pag-ibig ko, Jesus, Sa 'Yo'y ibinubuhos; Sarili ko'y Iyo na Magpasawalang-hangga, Magpasawalang-hangga.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.