Ang Lahat Sa'kiy Kunin Na
1
Ang lahat sa 'ki'y kunin na, Si Jesus ang itira. Sa pag-ibig N'ya'y aasa, Na hindi mag-iiba.
KORO
Ang luwang, lalim, at taas, Ng pag-ibig N'yang wagas, Ay walang makakasukat, Pagka't sa langit buhat.
2
Lahat na, sa aki'y kunin, Kay Jesus lang ipiling, Anumang hirap ang datnin, Masayang aawit din.
3
Kunin ang lahat ng bagay, Si Jesus lang ang iwan, Kung S'ya'y kasama sa buhay, Sa daan ko'y may ilaw.
4
Lahat ay iiwang lubos, Kasama lang si Jesus, Mukha N'ya'y mapapanood, Kung ang lahat matapos.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.