Nais Ko, Poong Jesus, Maging Ganap

1

Nais ko, Poong Jesus, maging ganap, Kaluluwa ko'y tahanang masikap, Iwalat ang lahat ng pampahirap; Paputiin akong parang busilak.

KORO

Poong Jesus, ako'y iligtas. At pagmanahin ng buhay at galak! Magmula sa mga langit, tunghayan. Sa ganap na hain ako'y tulungan, Ang aking sarili'y inilalagak. Paputiin akong parang busilak.

2

Poong Jesus, aking indinaraing. At ako'y nag-aantay pagpalain, Tawag ko'y pakinggan at bigyang lingap; Paputiin akong parang busilak.

3

Sa pananampalataya'y nakita. Dugo Mong bumukal dahil sa sala, Kaya't bagong puso ang aking hangad; Paputiin akong parang busilak.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.