Ako’y Ilapit sa Krus
1
Aba akong di gasino, Na tinubos ng dugo Mo; Lumalapit na totoo Sa Iyo, Diyos na Kordero.
2
Sa aba kong kaluluwa, Dugo Mo nga ay sukat na Na makahugas sa sala, Oh! Kordero ng Diyos Ama.
3
Akong abang lumalangoy, Sa sigalot at linggatong At sa panganib ay gayon. Ampunin, Korderong Poon.
4
Sa aba kong maralita, Bulag ang isip at dukha, Magdalang habag at awa, Korderong Diyos na dakila.
5
Akong aba ay tanggapin, Sa akit ay pagalingin, At hanguin sa hilahil, Oh! Kordero ng Diyos na Poon.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.