Galak Akong Titindig sa Paanan ng Krus
1
Galak akong titindig sa paanan ng krus, Anino ng isang batong matibay na lubos; Yaon ay isang tahanan sa gitna ng ilang, Pahingahan at kanlungan sa tabi ng daan.
2
Doon sa krus ni Jesus aking namamalas Siya na dahil sa aki'y namatay, naghirap; Sa puso kong nasumbatan aking nadarama: Di karapat-dapat ako sa pag-ibig Niya.
3
Papasanin ko, O krus, ang iyong anino; Liwanag ng Kanyang mukha ay s'yang ligaya ko; Tanging ikinahihiya ng sariling aba, Ay ang buhay kong sa sala'y lubhang nariwara.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.