Ilapit Mo Ako
1
Ilapit Mo ako, O Diyos, sa Iyo; Sukdan ang krus ay papasanin ko, Aawitin ko pa rin: Malapit, Diyos, sa Iyo, Malapit nga sa Iyo, O Diyos, sa Iyo.
2
Sa paggala, araw ay lumubog, Inunan ang bato sa pagtulog, Sa panaginip din: Malapit, Diyos, sa Iyo, Malapit nga sa Iyo, O Diyos, sa Iyo.
3
Kaugnay sa langit yaring hagdan, Kaloob Mo'y buhat sa kahabagan; Anghel kumakayag: Lumapit, Diyos, sa Iyo, Malapit nga sa Iyo, O Diyos, sa Iyo.
4
Payapang paggising, puri'y lubos, Batong inunan ko'y bahay ng Diyos; Lahat ng dinanas: Palapit, Diyos, sa Iyo, Malapit nga sa Iyo, O Diyos, sa Iyo.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.