Ikaw ang Batong Buhay
1
Ikaw ang batong buhay na sa aki'y nabuksan, Ako'y isinanggalang sa maraming kaaway. Batis Kang sakdal inam, Gamot naming may damdam.
2
Hanggang may tumitibok hininga sa pag-irog, Hindi ako tutugot hanggang 'di Ka mabantog. Ikaw ang nagpalubog sa angkan ng balakyot.
3
Iaalay kong lahat buhay ko hanggang wakas, Kami'y pawang haharap sa hukuman Mong tapat. At doo'y mahahayag ang tanang pagkahubad.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.