May Papasok Din sa Pintuan
1
May papasok din sa pintuan ng s'yudad na banal! Titikim ng kal'walhatian: sino kaya? Ako? Ikaw?
2
May lalakad sa gintong daan mamamasdan ang maiinam. Matutuwa sa hinulaan: sino kaya? Ako, Ikaw?
3
Ang krus ay ibababang tunay pagdating ng araw; Bawa't tapat ay puputungan: sino kaya? Ako? Ikaw?
4
Hari'y makikitang mukhaan at ligtas na sa kalumbayan, Maliligayang walang hanggan: sino kaya? Ako? Ikaw?
5
May tutuktok na di bubuksan pagdating ng araw; Sa pagpupuri ay kapisan: sino kaya? Ako? Ikaw?
6
Sa pintong bukas tumawag man ay hindi na rin pakikinggan. Gatimpala'y di matitikman: sino kaya? Ako? Ikaw?
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.