Tumatawag si Jesus

1

Tumatawag si Jesus na pastor mo't irog, Ikaw'y pinapapasok sa Kanyang pagkupkop; Lapit hanggang may lakas, hanggang batang wagas. Lumagay nang panatag sa dakong maluwag.

KORO

Magiliw na Siya'y tumatawag, Naliligaw, lumapit na agad, Huwag papagintaying maluwat. Si Jesus nating liyag.

2

Si Jesus ang nag-alay ng kaniyang buhay, Upang iyong makamtan walang hanggang buhay; Ngayo'y dagli mong dinggin tawag N'yang magiliw. Pahinga'y pasukin sa Kanyang piling.

3

Magpaliba'y panganib malamang mawaglit, Lobong gala'y malimit manila ang nais, Kaya't dinggin ang tawag ni Jesus na liyag. Lumagay nang panatag sa dakong maluwag.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.